Bilang magulang, paano mo dinidisiplina ang iyong anak? Mahigpit ba o maluwag? Gaano kahigpit o gaano kaluwag?
Bilang magulang, ang pagdidisiplina ay mahalaga para maging maayos ang araw araw na pamumuhay at kinabukasan ng kanilang anak. Bata pa lamang ay tinuturuan na ng mga magulang ang kanilang anak na maging "mature" at matutong mamuhay mag-isa. Bata pa lang ay nagbibigay na ang mga magulang ng batas na dapat nilang sundin sa kanila o kahit na sa ibang bahay.
May dalawang halimbawa ng pagdidisiplina ang mga magulang.
Una ay ang maayos o maluwag na pagdidisiplina.
Dito ay hindi pinapalo o sinasaktan ng mga magulang ang bata bagkus, sila ay pinagsasabihan lamang ng maayos at walang kasamang masasakit na salita. Hindi pinaparusahan ng sobra ang bata sa tuwing nagkakasala o nakakagawa ito ng mali. Pinapayagan ang bata sa lahat ng bagay ngunit may limitasyon at walang sikreto. Dito ay may kabukasan o "closeness" at maayos ang relasyon ng magulang sa bata. Ang isa't isa ay may pagkakaintindihan. Sa paraang ito, nagkakaroon ng magandang samahan ang buong pamilya. Napapalaki ng mga magulang ang kanilang anak ng maganda at maayos.
Pangalawa ay ang hindi maayos o mahigpit na pagdidisiplina.
Dito, sobra ang pagdidisiplina ng magulang sa kanyang anak. Hindi pinapalampas ng magulang ang bawat kasalanan na ginagawa ng bata. Hindi tama ang ginagawang pagdidisiplina ng magulang sa kanilang anak. Imbis na pagsabihan lamang, sinisigawan, sinasaktan, sinasabihan ng masasakit na salita, pagpapahiya sa maraming tao, at pagmamaltrato nila ang kanilang anak. Dahil dito, nag iiba ang pamamaraan ng pag iisip ng bata sa iba't ibang pamamaraan. Nagrerebelde o gumagawa ng hindi magagandang gawain ang bata tulad ng pagkakaroon ng bisyo, pagbubulakbol, pag gawa ng masama para sa sarili o pag gawa ng hindi maganda sa iba. Nakapagiisip din ng hindi maganda ang bata tulad ng pagpapakamatay, pagbaba ng pagtingin sa sarili, mas nagiging pariwara, at lumalayo kanilang loob sa kanilang magulang.
May tinatawag din tayong pansariling disiplina. Dinidisiplina mo ang iyong sarili para maging maganda at maayos ang iyong buhay. Tinuturuan at tinutulungan mo ang iyong sarili na matutong mamuhay sa sariling paa. Nahahasa mo ang iyong sarili sa iyong sariling pamamaraan. Nagkakaroon ka ng sariling estratihiya para malutas mo ang mga roblema na haharapin mo. Sa ganitong pagdidisiplina ay mapapalago mo pa ang iyong sarili. Basta ito ay mabuting pagdidisiplina para sa sarili.
Kahit anong mangyari, mahalaga sa mga magulang ang pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Bilang anak, kailangan nating intindihin ang ating mga magulang. At bilang magulang, kailangan nating limitahan ang ating mga ginagawang pagdidisiplina. At bilang ikaw kailangan mo din na disiplinahin ang iyong sarili. Para maging maayos at maganda ang iyong pamumuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento